Ang Emosyonal na Pasanin ng mga Marino

Ang marine transportation ay kilala bilang isang mahalagang bahagi ng global economy at international trade. Ang mga marino ay eskperto ng sektor na ito na kung saan ang trabaho nila ay tignan at siguraduhin ang mabisang operasyon ng mga barko (International Maritime Organization, 2020). Sinisigurado nilang ligtas na makakarating sa mga daungan ng bansa ang mga goods at raw materials na nag-aambag ng malaking pera sa ekonomiya ng Pilipinas. Mayroong 1,892,720 na seafarers sa buong mundo kung saan ang Pilipinas ang pinakamalaking supplier, accounting o 13.33% ng lahat ng officers at ratings based sa BIMCO at International Chamber of Shipping (ICS)’s 2021 Seafarer Workforce Report on the Global Supply and Demand of Seafarers.

Ang ibang Filipino seafarers ay pumapasok sa maritime industry para sa pangarap nilang makapag-travel sa iba’t ibang bansa o dahil sa impluwensiya ng pamilya sa kanilang mga career choices. Karamihan sa kanila ay gusto maging seafarer para makapagbigay ng tulong pinansyal para sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas. Bukod sa sahod at benepisyo na nakukuha nila sa kumpanya, meron din silang oportunidad na makapunta sa iba’t ibang lugar, tuklasin ang kultura, at makihalubilo sa iba’t ibang tao. Subalit, ang buhay ng mga marino sa barko ay hindi madali dahil maraming panganib at hamon ang kanilang kailangang harapin sa kanilang trabaho (Toygar, Nart, & Yilidirim, 2023). Ang mga paghihirap na ito ay nagmumula sa iba’t ibang aspeto ng seafaring, kabilang ang mahabang paghihiwalay, mahirap na kondisyon sa trabaho, at pisikal na pagkapagod mula sa kawalan ng tulog (NMP, 2022).

Maraming mga kadahilan na nagdudulot ng pagka-istress nila tulad ng kaligtasan ng barko, pirata, control ng estado ng daungan, at kondisyon ng panahon. Bukod pa sa mga panganib na kinakaharap nila sa dagat, nakikipaglaban din sila sa mga emosyonal na pinsala nito. Ang mga marino ay nagtratrabaho sa barko nang hanggang siyam na buwan at ang kawalan at distansya sa kanilang mga mahal sa buhay ay nakakaapekto sa kanila sa iba’t ibang paraan. Ang ilan sa kanila ay nakakaramdam ng kalungkutan at emosyonal na pagkapagod. 51.5% hanggang 66.5% ng mga marino ay nakakaranas ng psychosocial stress na nauugnay sa trabaho dahil sa mga usapin o problemang pampamilya.

Kapag sila ay nangungulila at namimiss ang kanilang mga mahal sa buhay, gumagamit sila ng mga social media platforms. Napakahalaga para sa kanila na makausap ang kanilang mga pamilya, asawa, o girlfriend/boyfriend tuwing may libreng oras sila. Ang mga pinagdadaanan nila sa araw-araw ay totoo at madalas na hindi pinapansin ng ibang tao. Hindi bababa sa 13 organisasyon at komunidad sa Pilipinas na nakalista sa Seafarers’ Welfare Centre Index” na nilikha ng International Transport Workers’ Federation (ITF) na makakatulong at matutugunan ang lumalaking alalahanin ng mga marino at kanilang pamilya.

Ang Stella Maris ay isang institusyong katoliko na nagbibigay ng tulong, suporta, at tirahan para sa mga marino, mangingisda, at ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang isa pang organisasyon ay tinatawag na Luneta Seafarers’ Center na nagbibigay sa mga Pilipinong marino ng paraan para makapagtabaho sa maritime sektor (Bajo & Galupo, 2012). Ngunit, ang Manila International Seafarer’s Center ay isang pasilidad na pinondohan ng AMOSUP (Associated Marine Officers’ and Seamen’s Union of the Philippines). Ang recreation center ay bukas sa lahat ng Filipino seafarers, parehong nagtratrabaho at retired, at kayang tumanggap ng hanggang 40 indibidwal. Panghuli, ang Mission to Seafarers ay isang organisasyon na nagbibigay din ng tulong para sa mga marino sa buong mundo. Sa pamamagitan ng mga local na aktibidad, ang kanilang programang Family Support Network (FSN) ay nagbibigay ng tulong sa pamilya ng mga seafarers. 

Comment Section

0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

About Parola

Parola is a multimedia arts capstone project created by a small team of students from De La Salle-College of St. Benilde. It features a docuseries, informational materials, and visual content designed especially for Filipino seafarers and their loved ones.

Inspired by the Filipino word for ‘lighthouse’, Parola wants to be a guiding light for those navigating life at sea.

Our Other Articles

Parola

This website serves as a thesis capstone project that aims to create resources for those working in the maritime industry, and their loved ones back at home.

Get in touch with us!

kamusta.parola@gmail.com

950 P. Ocampo St., Malate, Manila 1004

Created by Agsaway, Cruz, Javier, Salonga, and Tumang

© 2025. Parola. All Rights Reserved.