May Kaligayahan sa Gitna ng Karagatan

Ang pagiging seafarer ay hindi madaling trabaho pero ito ay puno ng katatagan, pagmamahal, at sakripisyo para sa sarili at para sa pamilya. Meron silang oportunidad para makapunta sa iba’t ibang bansa at lugar, malaki ang sahod, unti-unting natutupad ang mga pangarap. Ngunit sa kabila ng magagandang benepisyo na nakukuha nila, malayo sila sa kanilang mga mahal sa buhay ng ilang buwan. May mga pagkakataon na ang mga ibang seafarers ay nakakaranas ng stress, kalungkutan, pangungulila, at iba pang mga hamon na bahagi ng kanilang trabaho.

Ang malayo sa pamilya, asawa, kamag-anak, asawa, o girlfriend/boyfriend nang matagal ay mahirap. Maaaring humantong ito sa kalungkutan at kagustuhan na umuwi na sa Pilipinas dahil sa distansya, problema sa komunikasyon, problema na pamilya, at mga nalampasan na family events at holidays. Kaya naman ang pakikipag-usap sa kanilang mga mahal sa buhay kahit sandali ay importante para sa mga seafarers. Minsan sila ay nag-memessage o nakikipag-video call gamit ang Messenger, Whatsapp, Viber, at iba pa bago magsimula ang kanilang shift, tuwing break time, o/at pagkatapos ng trabaho. 

Ngunit, may mga pagkakataon na hindi nila nakakausap ang kanilang mga pamilya o asawa o girlfriend/boyfriend dahil sa trabaho, panahon, o limitation sa internet connection. Sa mga panahong tulad nito, sila ay nakikipag-usap at nakikipag-bonding sa mga kasamahang marino. Ang mga Filipino seafarers ay pinapahalagan ang Filipino core value na “pakikipagkapwa,” kaya naman nakikipagsalamuha at nagkakaroon sila ng mga kaibigan na Filipino rin at iba pang lahi. Ito ay dahil ang isang barko ay binubuo ng mga marino na may iba’t ibang lahi, ranggo, at responsibilidad. Ang kanilang mga kasamang marino ang isa rin sa mga dahilan kung bakit sila nagpapatuloy sa kanilang trabaho bukod sa kanilang pamilya.

Madalas ang mga seafarer ay naglalaro, nag-woworkout, umiinom, at iba pang pwedeng gawin sa barko para malibang. Minsan sila rin ay lumalabas at nagpupunta sa iba’t ibang lugar para gumala kasama ang kanilang mga kaibigan. Bukod pa rito, minsan sa mga kapwa nilang seafarers din sila nagsasabi ng problema o naglalabas ng saloobin tungkol sa pamilya o girlfriend/boyfriend. May mga pagkakataon din na sinasalo nila ang shift ng trabaho ng kanilang mga kaibigan kapag nagkakasakit. Sila-sila lang din ang nagtutulungan para harapin at malampasan ang mga hamon sa buhay. Dahil sa mga nabuong mga aalala at pagkakaibigan sa loob ng barko, ang mga seafarers ay nakahanap ng pagmamahal bilang pangalawang pamilya bukod sa kanilang mga mahal sa buhay.

Ang paggamit ng isang lengguwahe ay isa sa mga paraan ng mga Filipino seafarers para magkaintindihan at magkaisa. Halimbawa, gumagamit sila ng mga local na pangalan para sa mga higher ranks na seafarers. Ang kapitan ay tinatawag na ‘tatay’ (father), ang chief engineer ay ‘hepe’ (chief), at ang chief officer ay tinatawag na ‘kamote’ (isang biro tungkol sa pagkamot ng ulo). Sa ganitong paraan, hindi sila nahihiyang magsabi ng opinyon, maglabas ng saloobin, at malayang makipag-usap sa isa’t isa. Sa paggamit ng mga tawag, biro na sila-sila lang ang nakakaintindi, at mga kwentong sila lang ang nakakaalam, nabubuo ang samahahan na parang magkakapamilya at walang katulad. May mga masasaya at malungkot na alaala na nabuo sa loob ng barko ngunit ang maganda ay sila ay magkakasama sa hirap at ginhawa.

Comment Section

0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments

About Parola

Parola is a multimedia arts capstone project created by a small team of students from De La Salle-College of St. Benilde. It features a docuseries, informational materials, and visual content designed especially for Filipino seafarers and their loved ones.

Inspired by the Filipino word for ‘lighthouse’, Parola wants to be a guiding light for those navigating life at sea.

Our Other Articles

Parola

This website serves as a thesis capstone project that aims to create resources for those working in the maritime industry, and their loved ones back at home.

Get in touch with us!

kamusta.parola@gmail.com

950 P. Ocampo St., Malate, Manila 1004

Created by Agsaway, Cruz, Javier, Salonga, and Tumang

© 2025. Parola. All Rights Reserved.